Saturday, April 9, 2011

DUYAN by acostauniverse

Ericson Acosta's DUYAN by acostauniverse by adarna














Duyan

(Ericson Acosta / acostauniverse)

Chords: AM7 – C#m7 – Bm7 – E

Du -->

Du--yan….Duyan…


Kagaya ng distansya na tinatantya

Sa araw-araw na paglalakbay

At ng agwat ng pagkakalayo

Sa minamahal

Dinidipa ang pagitan ng puno sa puno

Sana ay magkasya sa haba nitong duyan ko…


Du -- yan… Duyan…

Du--yan… Duyan…


Kagaya ng pagkapit nating mahigpit

Sa araw-araw na pagsisikhay

At sa tapat na mga pangako

Sa lupang mahal

Tinitiyak na matibay ang tali sa puno

Sana ay payapa ang ugoy nitong duyan ko...


Du -- yan… Duyan…

Du--yan… Duyan…


Duyan ka ng aking giting…

Kanlungan ng mga mithiin…


He -- le…

Hele, hele…


Du -- yan… Duyan…

Du--yan… Duyan…

No comments:

Post a Comment