Tuesday, May 10, 2011

Haranang Bayan: Panata sa Kalayaan ni Ericson Acosta


Hatid ng Kilometer 64 Poetry Collective,
katuwang ang Free Ericson Acosta Campaign,
Karatula at Alay-sining

HARANANG BAYAN
Panata sa Kalayaan ni Ericson Acosta

13 Mayo, 2011 | Ta(u)mbayan, K1st cor. T. Gener Streets, Kamuning QC

Makata | Komposer | Thespian | Mamamahayag | Manggagawang Pangkultura | Aktibista Ericson Acosta

Tatlong buwan nang nakalilipas nang dinakip siya, iligal na dinetine, tinortyur,
pilit na pina-aming may mataas na ranggo sa Bagong Hukbong Bayan,
at saka sinampahan pa ng gawa-gawang kaso.


Naroon siya sa liblib na baryo ng Bay-ang, sa San Jorge, Samar na may bitbit na laptop at ilan pang gamit para matapat na maitala bilang mamahayag at mananaliksik, ang mga datos ng kalagayang panlipunan, sa nayong matagal nang hindi nabisita ng Hustisya.

Paglilngkod sa Bayan ang naghatid sa kanya sa rehas ng estadong pilit nagtatakip sa kalat na karahasan sa kanayunan. Bayang pinaglingkuran ang magpapalaya kay Ericson.

Isa lamang ang Haranang Bayan sa serye ng mga pagtitipon,
bahagi ng ating panatang palayain na si Ericson Acosta.


Dumalo. Magpadalo. Magtanghal.

No comments:

Post a Comment