Wednesday, May 30, 2012

FREE THE ARTIST! (Pagbati at Pagpupugay kay Kasamang Ericson Acosta)

Reference: Ted Tuvera, Secretary General
SILANGAN Cultural Collective


Nais pong iparating ng kakatatag lamang na SILANGAN Cultural Collective ang kanilang pagbati at pagpugay kay Kasamang Ericson Acosta, sa kaniyang ika-40 na taong kaarawan, na isang aktibistang makata, musikero, cultural worker at dating patnugot ng Philippine Collegian na kasalukuyang nakakulong buhat nang siya’y dinampot sa isang hindi makatarungang paraan noong Pebrero ng 2011 sa Samar at dinagdagan ito ng mga gawa-gawang kaso.


Isang biktima si Ericson ng matinding panggigipit ng huwad nating pamahalaan upang patahimikin at tigilan ang mga makabayan na nakikibaka para sa malawak na masa upang kanilang ganap na makamit ang tagumpay na dala ng pambansang demokrasya. Subalit, katulad nina Pablo Neruda, Ho Chi Min, Jose Rizal, atbp., si Ericson ay hindi nagpadaig sa mga gahaman, bagkus, mas lumiyab ang halaga ng kaniyang mga obra na naging instrumento ng pagmulat sa diwang, “paglingkuran ang sambayanan”.


Ang sining na binigyang kabuluhan ni Ericson Acosta sa sadyang napaka-dakilang paraan ay patunay na ang sining ay isang sandata na may angking kapangyarihan. Ang panunupil sa sining at sa mga alagad nito na may diwang makabayan ay isang repleksyon ng katotohanang inutil at manhid ang pamahalaan sa pagsusumamo ng sambayanan. Kung baga’y pilit tayong pinipiringan ng dilaw na laso ng pamahalaan upang tayo’y bulagin sa tunay na kalagayan ng ating lipunan at upang lihisin ang kaisipang paglaban sa bulok na sistema sa ating lipunan na tangan-tangan ng naghaharing-uri na iilan at isulong ang bagong sistema sa lipunan na kung saan mananaig ang pasya ng malawak na masa.


Ang kaso ni Ericson Acosta ay isang patunay na walang pakialam ang pamahalaang Noynoy Aquino sa pagpapahalaga sa karapatang pantao (human rights), dahil sa loob ng isang taon na’y hindi pa rin nabibigyan ng nararapat na katarungan ang kaso ni Ericson. Katulad na lamang ng pagkawala ng mga decaperadidos na sina Karen Empeno, Sherlyn Cadapan, Jonas Burgos, at iba pa, at ng kamatayan nina Benjaline Hernandez ng CEGP (College Editors Guild of the Philippines), Rolando Olalia at Leonor Alay-ay ng KMU (Kilusang Mayo Uno), at ng marami pang ibang biktima ng kawalan ng katarungan, pinalilitaw talaga ng ating huwad na pamahalaan na ang aktibismo ay isang krimen. Naninindigan po kami na ang aktibismo ay hindi krimen, bagkus, ito ay karapatan ng mamamayan at kapag ito ay inapakan, tiyak na mayuyurakan na ang kalayaan ng pambansang soberanya.


Maituturing natin na isang halimbawa ng kabayanihan ang halimbawa ni Ericson Acosta, ang pag-alay niya palang ng sarili para sa malawak na masa at ang dakilang kahandaang ialay ang buhay para sa pambansang demokrasya. Inaantay na ng sambayanang nakikibaka ang paglaya ni Ericson.


Nakikiisa ang SILANGAN sa pag-kondena sa panlulupig kay Ericson Acosta. sa kalayaan ng sining at sa karapatang pantao.

FREE ERICSON ACOSTA! FREE THE ARTIST! FREE ALL POLITICAL DETAINEES!###

Friday, May 25, 2012

SERVE THE PEOPLE: Lugawan para sa Kalayaan

   

SERVE THE PEOPLE: Lugawan para sa Kalayaan
Sunday /  27 MAY 2012 / 3 - 8 pm 
UP Diliman Balay Kalinaw Dining Hall


On May 27, a year and three months after his illegal arrest, detained artist Ericson Acosta marks his 40th birthday inside the walls of the sub-provincial Jail in Calbayog City, Samar.
The Free Ericson Acosta Campaign (FEAC), in cooperation with Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto) SELDA and the All-UP Academic Employees Union, will be hold “SERVE THE PEOPLE: Lugawan para sa Kalayaan”, a fund-raising event to help sustain Acosta’s legal defense funds, at the University of the Philippines Diliman, Balay Kalinaw Dining Hall.

Please join us, his friends, family, colleagues, fellow artists and supporters, as we wish Ericson freedom from unjust detention on his 40th birthday. Fresh, hot lugaw will be served at 3pm and 6pm by fellow artists and former political detainees. Artworks, books, and crafts by political prisoners and their supporters will also be sold and auctioned at the event.


Serve the people!

This event coincides with the United Nations Human Rights Council Universal Periodic Review (UPR) in Geneva, where the Philippines is expected to be "grilled" for its human rights record. There are more than 350 political prisoners in the country today, most of them victims of arbitrary arrests, torture and trumped-up criminal charges. More than 90 of them, including Ericson Acosta, were arrested under President Aquino's watch. 

FREE THE ARTIST!
FREE ERICSON ACOSTA!

FREE ALL POLITICAL PRISONERS!