by Teo S. Marasigan
Iyan, kung hindi siya nagkakamali, ang pangalan ni Ericson L. Acosta sa isang isyung lampoon ng Philippine Collegian, publikasyon ng mga mag-aaral ng unibersidad. Ang pagkamalikhain ng staff, lumalabas hindi lang sa mga nakakatawang artikulong may banat sa pulitika ng kampus at bansa, kundi maging sa by-line at staff box. Ang mga pangalan ng manunulat, kadalasang hinahanapan ng bastos na katunog o kamukha.
Para sa marami niyang kaibigan at kasama sa Kamaynilaan, namuhay na parang laging nasa lampoon si Ericson: kwela, kengkoy, kangkarot – “karakter,” sabi nga ni Lisa C. Ito, isang manunulat, sa kanyang note sa Facebook. Parang lagi siyang si Ereksyon Pacasta. Isipin mo si Beyonce na laging Sasha Fierce. Isipin mo si Eminem na laging Slim Shady. Tapos pagsamahin mo sila. Parang laging handang magtanghal, ganoon siya. more>>
No comments:
Post a Comment