by Sarah Katrina Maramag
from adarna's attic
iyan ang sinabi niya sa akin noon, so many moons ago, noong bahaginan ko siya ng buntong-hininga habang pinagdaraanan ko ang isang matinding krisis sa buhay. at totoo nga, lumipas na, kinaya ko naman. at katulad ng sa tuwing may mga krisis na kapwa naming hinarap at sinuong, magkasama man kami (mas marami pang moons ago) o via text messaging, once-in-a-while bisita o panatag lang na anumang mangyari’y nariyan lamang kami para sa isa’t isa, mahigpit pa rin ang pagkapit ko sa mga katagang ito mula sa kanya.
ilang araw ko nang iniisip kung ano ba ang isusulat ko tungkol sa kanya. nakakatawa/nakakatuwa/nakakaiyak/nakakainis magbasa ng mga kwento, facebook notes, blog posts at anekdota ng mga kaibigan. hindi ko pa rin maisip kung ano ang isusulat ko. mangyari pa’y napagtanto kong baka sa masyadong maraming paraan ko kasi siya gustong (muling) ipakilala. o di kaya naman, baka iyong iba hindi ko na maikuwento at (hiram pa rin sa kanyang mga salita) “sa aming dalawa na lang”.
pero eto na, pasintabi na lang sa hindi ko na maorganisang stream of consciousness, masyado kasing maraming alaala. ladies and gentlemen, presenting ericson acosta:
siya si “uncle ho” na bigla na lang sumusulpot tuwing may bumabagabag sa iyong isip at damdamin. naisip namin noon ng isang kaibigan, baka may ESP siya. papano’y hindi mo pa tinatawagan dumarating na. siya ang nagbansag sa sarili niya ng titulong ito.
siya si “lizard king” na bigla na lang kakatok sa pinto ng bahay mo sa kalaliman ng gabi in full jim morrison persona. tapos kakanta ng mga awit ng the doors hanggang mag-umaga na. mga ilang linggo (buwan pa nga yata) tumagal ang “character” na ito. tapos siguro pagkagising na lang niya isang araw namulat siya sa katotohanang hindi bagay sa kanya ang leather pants at masikip na polo.
magaling siyang mag-bakla-baklaan. siguro dahil matagal din siyang nag-PETA under the tutelage nina soxy topacio. magaling din siyang mag-drama. magaling din siyang mag-shindig. total performer nga.
siya ang promotor ng “18 drafts” para sa unang artikulo ko sa Philippine Collegian. mangiyak-ngiyak na ako noon, hanggang sa 15th draft naawa na siya at sumigaw ng, “Happy 18th birthday!”. opo, sa Kule ako nag-debut.
minsan na siyang nag-request ng sarili niyang kanta sa bombo radyo. nung tinanong ng DJ kung sino ang kumanta, sabi niya ang bandang “Acosta Universe” daw. haha! (note: pero totoo ang Acosta Universe, napanood ko na silang tumugtog)
minsan, isang gabi, maraming gabi na ang nakaraan, binisita namin si dong abay noong “bagong labas” pa lang siya. may pinakita sa aming log book si dong na punong-puno ng lyrics ng mga bagong kanta. doon ko unang narinig iyong mga kanta sa EP na “Sampol” at album na “Flipino” bago pa man sila lumabas.
siya ang kasama ko nung ma-“discover” namin ang My Brother’s Moustache bago pa ito officially magbukas. naglalakad kami at naghahanap ng “tea place (british accent, please)” tapos nakita naming may tarpaulin ni jimi hendrix iyong lugar. pumasok kami at hindi man lamang kami nagtaka kung bakit kami lang ang customer. hanggang sa nilapitan kami ng may-ari para sabihing hindi pa sila bukas at nagte-test run lang. mula noon, naging kaibigan na namin iyong may-ari. parati nga siyang kinukumusta kapag napapadpad ako roon.
noong huli ko siyang makita, tuwang-tuwa siya sa libro ng mga tula ni axel pinpin at pinarinig ang “arrangement” ng Acosta Universe sa “kayo ba ang mga maria clara…(ano na ngang title ng kantang nito?)”. may “bootleg series” ang jamming na ito, hanggang ngayon inaareglo pa namin kung paano lilinisin ang audio dahil ang ingay-ingay ni bayoyong at sinasapawan ng harmonica ni nato iyong boses niya. hehe. eto ang sampol ng isa:
Rage by Ericson Acosta by adarna
may sarili siyang “bob dylan version” ng “what makes a hero” ni jose maria sison. iyong bahaging “there is a common denominator” ay pinalitan niya ng “there’s a common thing goin’ on” para raw “magkasya”.
may malaking kasalanan ako sa kanya dahil pinagbilinan niya ako ng lyrics at raw recording ng isang kanta na ine-envision niyang kantahin nina chikoy pura, satria candao at gloc9 ala U2-bono-at-mary blige rendition ng “One”. kaso hindi ko na mahanap yung recording na tinyaga niya pang i-record “sa isang lumang laptop na walang maayos na mic”.
pero higit sa lahat, para sa akin (at sa isa pa), siya si “george” at ako si “george”, the least appreciated beatle (ika niya). at ewan ko kung totoo pero sabi niya noong 80s ganoon daw ang tawagan ng mga pinakamalalapit na mga kaibigan.
siya rin ang nagsabi sa akin na nagiging pinakamalapit na magkaibigan ang mga magkasama sa pakikibaka at paglilingkod sa masang api at sambayanan.
i could go on and on, tulad ng iba pa naming mga kasamahan at kaibigan na ang “common thing goin’ on” ay pawang pag-aalala at pag-alala sa kanya. kaya tigil na muna, iyong iba pa, sa amin na lang munang dalawa.
ako naman, george, this too shall pass.
Palayain si Ericson Acosta! Palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal!

No comments:
Post a Comment