Saturday, April 9, 2011

Haranang Bayan by Nato and Sarah

Ericson Acosta's Haranang Bayan by nato & sarah by adarna

Haranang Bayan

(Titik at musika, Ericson Acosta / Alay Sining, 1999)

Am-Em-Am—

Am Em Am
Sadyang di pa huli ang lahat
Am Em Am
Bukas tatanganan ang gitara
Am Em Am G
Mag-aaral tumugtog nang tapat
Am Em Am
Darating din ang araw ng harana

F (may option na FM9)

Haharanahin ko
Am
ang bawat dampang lumulutang sa kawalan
F
Himig na naririto
Am
Habagat sa tapang, amihan sa kamalayan

Chorus
F Am F Am
Hahagilapin ang galit saloobin
F Am F Am
Hahalukayin sa lalim ng damdamin
F Am F Am F
Haharanahin duyan ng magiting
(intro)
Bayan kong inalipin

Sadyang di pa huli ang lahat
Bukas pipiliin ang kanta
Sasanayin ang tinig na salat
Darating na ang araw ng harana

Haharanahin ko
ang puso’t isipan ni Maria at ni Juan
Tadhanang nakalilito
Isasalarawan sa tinig ng kamulatan

(Ulitin Chorus)

Sadyang di pa tapos ang laban
Kailangang tanganan ang sandata
Pagkat awit ay di sasapat
Upang ganap na tupdin ang panata

Hahabulin ko sa dulo ng ilog
Ang kaaway ng sambayanan
At kasama mo itatakda ang pagsilang
ng bagong kaayusan

(Ulitin Chorus)

F Am
Haranang bayan(4x)
F Am
Panata sa kalayaan

No comments:

Post a Comment